Monday, November 12, 2007

.kulang sa pansin.

ang pinakamasakitay yung maramdamang ang lapit mo na
na sa sobrang lapit…naririnig ko na pati pagtibok ng puso mo…
na kahit gusto kong magsalita…hindi mo naman mabasa…
ang mga katagang isang milyong araw ko ng inilalathala…
ang mga luha kong sandamakmak kung dumaloy…
ay tinutuyo na lamang ng hanging…
kanina pa humahampas sa mukha ko……
tapos ngayon…
Nakikita kong papaalis ka na…
Ni hindi man lang natamasa…
O nalaman ang tunay na kahulugan…
Ng mga SALITA…
Nakakapanghinayang……
ang pag-ibig yata ay ibabaon na lamang. Tsk.

No comments: