Pipiliting iwasan
Lilimutin ang nararamdaman
Itatago na lamang sa bulsa
Ang lihim na pagmamahal
Tatalikuran…tatakbo
Uupo sa may kanto
Tatahol ang mga aso
Tinginan ang mga tao
Tsimosang mga tindera
Tang-ina...mukhang mga pera
Nanghuhusga sa kilos ko't pananamit
Tingin nila'y nanlalait
Pakshet...san' na aking wallet?
Gutom ng tiyan
Titiisin na lang
Natutuyong lalamunan
Uhaw sa tubig, maputlang bibig
Katumbas lamang ay 'yong pag-ibig
Tagay muna sa baso
Alak lang katapat nyan
Inom lang pare, bukas wala na yan
Unti-unti...nalasing
Napraning...
Nagising...
Pangalan mo pa rin ang sigaw ng damdamin
Natakot bigla
Ako'y kumawala
Tumakbo papalayo
Sa halakhak ng mga demonyo
Magkukubli na lamang sa likod ng bakod
Hahayaang matusok
Sa tinik at pag-ibig na kay pusok
Sindi ng sigarilyo
Amoy...ang bango...
Sarap ng usok, pinasok
Nadideliryo, nakaka-adik
Sarap ng yosi
Na sa bawat hithit
Iniisip
Mukha mo sa aking balikat
Ngiting pamatay
Matang nakakasilaw
Hapo sa sikat ng araw
Pawis sa aking noo
Hindi malaman ang totoo
Isip na magulo
Inumpog ang ulo sa bato
Daloy ng dugo
Pupunasan ng panyo
Titiisin ang sakit
Naghahangad, nagpupumilit
Umiyak ng tahimik
Pagdahos ng mga luha
Di ko na alintana
Ito lamang ang simula
Sa paghihirap na tinatamasa
Monday, November 12, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment